comparing is to negative results
Oo nga. Totoo. Walang magandang maidudulot ang pagkocompare dahil ang kalalabasan nito ay hindi magiging maganda.
Lalo lang natin mapupuna ang hindi kanais nais na quality o characteristics ng isang tao. Pwedeng siya ay layuan mo dahil alam mong may something sa kanya na hindi mo gusto at ‘di rin gusto ng iba. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa isang taong iyon pagkatapos ay mauuwi ito sa pag-iwan mo sa kanya.
Kapag ikonumpara mo naman ang sarili mo sa iba. Mai-insecure ka. Maaring dahil dito gumawa ka ng hindi tama sa taong sa tingin mo’y nakatataas sa’yo. Malaking posibilidad rin na dahil sa pagka-insecure mo bumaba lalo ang tingin mo sa sarili mo. Pero meron din namang mga tao na gagawin ang lahat para maabot ang taong kinaiingitan nito.